News Update
Kasunduan sa karapatan ng manggagawa sa Jordan dapat isulong – Migrante
MATAPOS bahagyang alisin ang deployment ban sa Jordan, dapat makipagkasundo ang gobyernong
Arroyo sa Jordan at iba pang bansa sa Middle East para lumikha ng isang labor rights pact para matiyak ang
kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa naturang lugar, ayon
sa Migrante – Middle East.
“Ang
paglikha ng isang labor rights agreement
sa pagitan ng Pilipinas at Jordan
ay isang hakbang pasulong sa pagtiyak ng karapatan at kagalingan ng mga OFW (overseas Filipino workers). Dapat
tiyakin ng labor rights pact na ito
na may pananagutan ang mga dayuhang employer sa kinuha nilang manggagawa,” ayon
kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante- ME.
Duda ang
Migrante sa DoLe Order No. 93-08, Series of 2008, na nagbigay-daan sa partial deployment ng mga manggagawang
Pilipino sa Jordan, sa kondisyong susuweldo sila nang hindi bababa sa US$400 kada
buwan at dapat lamang silang ideploy sa lehitimong mga employer.
“Paano
masisiguro ng DoLE na rerespetuhin ng mga employer ang mga probisyon sa kontrata?”
tanong ni Monterona.
Ani Montenora, dapat na harapin ng
DoLe ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa prinsipyo ng pagprotekta
sa kanilang karapatan at kagalingan sa pagkakataong makarating na sila sa
bansang pagtatrabahuan at hindi sa mga proseso na wala namang direktang
kinalaman sa pananagutan ng dayuhang employer
sa OFW.
Sinabi pa ni Monterona na matitiyak
lamang ang pananagutan ng employer sa
inupahan niyang manggagawa kapag nakipagkasundo ang gobyerno nito sa isang bilateral na kasunduan sa karapatan ng
mga manggagawa sa bansang katulad ng Pilipinas.
Soliman A. Santos
RSS