News Update

Tropang Kano sa Mindanao kukuwestiyunin sa Korte Suprema

in

Ilang-Ilang Quijano

KUKUWESTIYUNIN ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) Korte Suprema ang pananatili ng mga tropang Amerikano sa Mindanao sa gitna ng kontrobersiya hinggil sa kanilang umano’y aktibong pakikidigma.

Desisyon ng Korte Suprema sa executive privilege ikinabahala

in

Jack Dison Pablo

IKINABAHALA ang desisyon ng Korte Suprema na pagbigyan ang hininging executive privilege ni dating National Economic Development Authority Sek. Romulo Neri sa imbestigasyon ng Senado sa $329 Milyong kontratang NBN-ZTE.

Pagtigil ng Katas ng VAT ‘di kawalan’ sa mamamayan

in

Jean Campos

HINDI kawalan sa mga mamamayan ang nakatakdang pagtigil sa programang “Katas ng VAT”, ayon sa Gabriela, militanteng grupong pangkababaihan.

P 7 rollback sa produktong petrolyo hiniling

in

Rodalyn S.M. Capilo

DAHIL sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, hiniling grupong Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) sa mga kompanya langis na ibaba ng P7 kada litro ang kanilang singil sa mga produktong petrolyo.

Interfaith dialogue, hinikayat ng kabataan

in

Mary Rose Retrita

HINIKAYAT ng Student Christian Movement of the Philippines o SCMP ang pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim sa pamamagitan ng mga interfaith dialogue.

Bangkong pinansiyer ng pagmimina inakusahang sinungaling

in

John Edref L. Vargas

NAGSISINUNGALING ang Australyanong ANZ Bank sa pagkakailang may kinalaman sila sa kontrobersiyal na Oceana Didipio Gold Copper Mining Project, ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE), grupong makakalikasan na kaisa ang mga mamamayan ng Nueva Vizcaya sa pagtutol sa nasabing proyekto.

P3,000 dagdag sa minimum pay, iginiit ng taong-gobyerno

in

Noel Sales Barcelona

NAGPROTESTA noong Setyembre 5 sa harap ng Quezon City Hall ang mga miyembro ng Courage (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees) para igiit sa gobyerno na dagdagan ng P3,000 ang minimum na suweldo

Pay hike ni Arroyo, 'iskandaloso'

in

Ilang-Ilang Quijano

ISKANDALOSO ang panukalang 100% dagdag sa sahod ni Pangulong Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno, ayon kay Gabriela Rep. Liza Maza.

Utos ng korte na ilipat ang detenidong pulitikal na si Echanis sinuway

in

Ilang-Ilang Quijano

SINUWAY ng DOJ (Department of Justice) at PNP (Philippine National Police) ang utos ng Manila Regional Trial Court na ilipat ang detenidong lider-masasakang si Randall Echanis sa PNP Custodial Center.

Panggigipit ni Winston Garcia?: Presidente ng Courage nakapagpiyansa sa kasong libelo

in

Noel Sales Barcelona

NAGPROTESTA ngayong araw, Setyembre 2, ang mga miyembro ng pambansang sentro ng mga manggagawa sa gobyerno, ang Courage (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees) dahil sa nakaambang pang-aaresto sana laban sa pambansang pangulo nito na si Ferdinand Gaite dahil sa kasong libelo na isinampa sa kanya ni Winston Garcia, pangulo at pangkalahatang

Siyam na dinukot na lider-magsasaka sa Cavite, nasa kustodiya ng PNP

in

Ilang-Ilang Quijano / KR Guda

NASA kustodiya ng PNP (Philippine National Police) sa Kampo Vicente Lim sa Calamba, Laguna, ang siyam dinukot na lider-pesante, mahigit isang araw matapos mabalitang dinukot ang mga ito sa Silang, Cavite.

Pagtalaga kay Pichay sa LWUA binatikos

in

Noel Sales Barcelona

NAGPAHAYAG ng pangamba ng mga miyembro ng Water (Water Employees Response), alyansa ng mga empleyado ng water districts sa bansa, dahil sa pagtalaga kay dating Surigao del Norte Rep. Prospero Pichay Jr., bilang hepe ng LWUA o Local Water Utilities Administration.

 

Arroyo sinisi sa pagbuhay ng Reform Ilaga Movement

in

Ilang-Ilang Quijano

SINISI ng militanteng kongresistang si Rafael Mariano ng Anakpawis Party-list si Pangulong Arroyo para sa muling pagbuhay ng Reform Ilaga Movement, vigilanteng grupo na umaatake sa mga sibilyan sa Mindanao.

Protesta sa 20 sentro sa Kamaynilaan: P5 COLA di sapat; rolbak sa presyo ng langis kulang

in

Ilang-Ilang Quijano

ROLBAK ng presyo ng langis, P125 dagdag-na-sahod, at pagtanggal ng VAT (Value-Added Tax) sa mga produktong petrolyo at kuryente ang ipinanawagan ng mga manggagawa, maralitang lungsod, at iba pang sektor na nagsagawa ng mga kilos-protesta sa mahigit 20 sentro sa Kamaynilaan noong Agosto 28.

Huli sa akto: pinaghihinalaang intelligence agent kinuyog ng estudyante ng PUP

in
Rodalyn S.M. Capilo

Apat na mga pinaghihinalaang intelligence agent ang nahuli na nagsasagawa ng surveillance sa mga lider estudyante habang nagdadaos ng programa sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) noong Agosto 29.

Pakikialam ng US sa usapang pangkapayapaan sa MILF pinaiimbestigahan

in

Ilang-Ilang Quijano

PINAIIMBESTIGAHAN ng mga kinatawan ng progresibong party-list ang umano'y pakikialam ng Estados Unidos sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at gobyerno ng Pilipinas.

Sektor ng negosyante: Cha-cha sa 2010 na

in

KR Guda

NANGANGAMBA ang sektor ng mga negosyante sa pagtulak sa pag-amyenda sa Saligang Batas bago ang eleksiyong 2010.

Empleyado ng gobyerno kasado sa protesta kontra Cha-Cha

in

Noel Sales Barcelona

TULUY-TULOY ang gagawing protesta ng mga kawani ng gobyerno para biguin ang Cha-Cha (Charter Change) ng administrasyong Macapagal-Arroyo.

Paglala ng gulo sa Mindanao pinangangambahan

in

Ilang-Ilang Quijano

NANGANGAMBA ang InPeace Mindanao (Initiatives for Peace in Mindanao), grupong tagapagtaguyod ng kapayapaan, na lalong lalala ang kaguluhan sa Mindanao dahil sa bagong polisiya ni Pangulong Arroyo sa usapang pangkapayapaan.

Estudyante nag-walkout laban sa Cha-Cha, Batas Militar

in

Ilang-Ilang Quijano

LIBU-LIBONG estudyante sa Kamaynilaan ang nag-walkout sa kanilang mga klase para kondenahin ang umano'y mga hakbang ni Pangulong Arroyo na gamitin ang kaguluhan sa Mindanao para makapanatili sa puwesto lampas sa 2010.