News Update

Archive - Aug 2008 - week_photo

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
Type

Giyera, pampalala ng kahirapan

NILUSOB ng mga maralitang lungsod sa pangunguna ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) ang Mendiola noong Agosto 29 para kondenahin ang all-out war ni Pangulong Arroyo sa Moro Islamic Liberation Front na magpapalala umano ng malawakang kahirapan sa Mindanao. (Boy Bagwis)

Komunidad laban sa VAT

Sa isang kilos protesta na nilahukan ng mga bata at residente ng Brgy. San Roque, Quezon City, kinondena ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida, tagapangulo ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) ang pagmamatigas ni Pangulong Arroyo na huwag tanggalin ang Value-Added Tax. (Raffy Rivera)

May motibong pampulitika?

Nagulat si Kerlan Fanagel, pangkalahatang kalihim ng Pasaka, grupo ng mga Lumad sa Southern Mindanao, nang makita ang kanyang litrato sa wanted posters sa Compostela, Compostela Valley. Malisyoso umano ang pagbansag kanyang rebelde ng 28th Infantry Batallion. Tumutulong si Fanagel sa lumikas na

Pinagkaitan ng hustisya

63 taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hiling pa rin ang hustisya ng mga lola na biktima ng panggagahasa ng mga sundalong Hapon noong digmaan. Nagpiket ang Lila Filipina at Gabriela sa harap ng Japanese Embassy noong Agosto 14. (Tarik Garcia)

Buy back, hindi rollback

HINDI lamang roll back sa presyo ng langis ang makabibigay-ginhawa sa mga konsiyumer, kundi ang mas pangmatagalang mga solusyon gaya ng pagbili muli ng gobyerno sa Petron, ayon sa mga grupong nagprotesta sa Philcoa, Quezon City noong Agosto 8. (Darius Galang)

Pondo ng SSS, nanganganib?

IPINROTESTA ng Anakpawis Party-list, Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), at Courage (Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees) ang unang araw ni Romulo Neri bilang administrador ng SSS (Social Security System) at hepe ng National Social Welfare Council.