News Update
Archive - Aug 2008 - larawan_linggo
Di pa makauwi
Sa paghupa ng bakbakan ng Moro Islamic Liberation Front at militar, maraming bakwit ang nakauwi na. Pero nananatili ang 50 pamilya sa evacuation center sa Buisan warehouse sa Pikit, North Cotabato hanggang noong Agosto 28. (Keith Bacongco/AKP Images)
Lumulutang na pangarap
Nakalutang sa piraso ng styrofoam ang batang ito, gaya ng pangarap na magkaroon ng sariling bahay ng mga taga-Tondo na nakatira sa resettlement area. (Ilang-Ilang Quijano)
Pagbabalanse
Napapadali ang paghila ng porter dahil sa dalawang kasamahan niya na nagbabalanse sa ibabaw ng load. Laganap pa rin ang ganitong mga eksena sa Baguio City, laluna sa mga gulay na ibinabiyahe sa mga trak at bus. (Ariston Valle)
Pangakong nablangko
Blangko ang tanaw ng kabataang Igorot na ito, kahalintulad ng kawalan ng kaalaman ng 62% ng mga mamamayan sa Kordilyera hinggil sa sinasabing awtonomiya ng kanilang lupain. (Kuha ni Ariston Valle sa Baguio City)
Kapanahunan ng Durian
Mabentang mabenta ang durian sa Davao City ngayong kapanahunan nito. Bumagsak mula P70 kada kilo tungong P30-40 ang presyo nito kamakailan. Maaari pang bumagsak hanggang P25 kada kilo sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival ngayong buwan. (Keith Bacongco/AKP Images)





RSS