News Update

Archive - Aug 23, 2008

Date
Type

Vhong, ipinakilala na ni Desiree sa kanyang pamilya

in

Boy Villasanta

PROBINSIYANANG-PROBINSIYANA pa rin si Desiree del Valle kesehodang siya ay sosyal at taga-Amerika pa.

Hindi niya nakakalimutan ang Lopez, Quezon, ang bayang sinilangan ng kanyang inang si Lourdes del Valle.

Walang ginto sa 2008 Beijing Olympics para sa mga Pinoy

in

Darius Galang

UUWING luhaan ang mga atletang Pinoy matapos ang dalawang linggo ng pagkakasadlak sa iilang mga palarong sinalihan ng bansa sa 2008 Beijing Olympics.

Paglala ng gulo sa Mindanao pinangangambahan

in

Ilang-Ilang Quijano

NANGANGAMBA ang InPeace Mindanao (Initiatives for Peace in Mindanao), grupong tagapagtaguyod ng kapayapaan, na lalong lalala ang kaguluhan sa Mindanao dahil sa bagong polisiya ni Pangulong Arroyo sa usapang pangkapayapaan.

Estudyante nag-walkout laban sa Cha-Cha, Batas Militar

in

Ilang-Ilang Quijano

LIBU-LIBONG estudyante sa Kamaynilaan ang nag-walkout sa kanilang mga klase para kondenahin ang umano'y mga hakbang ni Pangulong Arroyo na gamitin ang kaguluhan sa Mindanao para makapanatili sa puwesto lampas sa 2010.

Magpoprotestang kawani sisibakin, banta ng Intramuros Administration

in

Noel Sales Barcelona

NAGBANTA ang Intramuros Administration na sisibakin ang mga empleyadong lalahok sa protesta ngayong araw, Agosto 22.

Napapanahong panawagan

Noong Agosto 22, lumahok sa Truth Festival sa Roxas Blvd. sa Maynila ang iba’t ibang mga puwersang sawa na diumano sa mga kasingungalingan ng gobyernong Arroyo. Simbolikong “sinagip” ng mga mamamayan ang balsang ito sa Manila Bay. (King Catoy)

Ayaw sa Cha-cha

Nagmartsa mula sa Quirino cor. Taft Avenue ang mga miyembro ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), bitbit ang panawagang ibasura ang Charter change. (King Catoy)

Nagmartsa mula sa Quirino cor. Taft Avenue ang mga miyembro ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), bitbit ang panawagang ibasura ang Charter change. (King Catoy)

Sining sa kalsada

Bahagi ng pagbunyag sa katotohanan ang pagpinta ng mga grupong Artist's Arrest, Tutok Karapatan, Ugat Lahi at Pilipinas Street Plan ng samu’t saring dibuho sa kalsada. (King Catoy)

Bahagi ng pagbunyag sa katotohanan ang pagpinta ng mga grupong Artist's Arrest, Tutok Karapatan, Ugat Lahi at Pilipinas Street Plan ng samu’t saring dibuho sa kalsada. (King Catoy)

Kontra-giyera

Pinakamainit na panawagan ng mga demonstrador ang pagtigil sa todo-giyera sa Mindanao. (King Catoy)

Pinakamainit na panawagan ng mga demonstrador ang pagtigil sa todo-giyera sa Mindanao. (King Catoy)

Organisado ng relihiyoso

Palaban ang mga taong-simbahan na kabilang sa mga nag-organisa at nagpanatili ng kaayusan sa Truth Festival. (Ilang-Ilang Quijano)

Palaban ang mga taong-simbahan na kabilang sa mga nag-organisa at nagpanatili ng kaayusan sa Truth Festival. (Ilang-Ilang Quijano)