News Update
Archive - Aug 1, 2008
Pagkahibang sa post-sona, ex-sona
Rolando B. Tolentino
BINASA ko ang SONA (state of the nation address) ni Gloria Arroyo at para itong pelikula. Kung hindi ko inawat ang aking sarili, parang ang ganda nga talaga ng kanyang naipatupad.
Malalamon ang sinumang nagbabasa dahil sa makinang na datos at papuri sa sarili. Wala ang monotonong boses, ang deadpan na mukha, ang pagiging fashion victim.
Programang ‘Katas ng VAT’ pinaiimbestigahan sa Kongreso
Jean Campos
NAGPAPATAWAG ng imbestigasyon ang Anakpawis Party-list hinggil sa Programang “Katas ng VAT” ng gobyerno.
Didith Reyes, ang alamat, nagbabalik
Boy Villasanta
PAGKATAPOS na siya ay pagpistahan ng media nang siya ay bugbugin ng kanyang ka-live-in sa loob ng limang taon na nagngangalang Ely, nagbabalik at magbabalik si Didith Reyes sa sirkulasyon.
Ito ang inihayag ng mang-aawit mula nang mag-umpisa siya sa bokalisasyon para sa Grand Music Palace sa Cubao.
Patuloy na pagkakulong ng lider-pesante binatikos
Soliman A. Santos
BINATIKOS ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang patuloy na pagkakakulong ng lider-magsasakang si Randall Echanis at sinabing hindi dapat hayaan na lang ang umano’y inhustisyang ginagawa ng gobyerno sa oposisyon.
Inilipat mula Palo, Leyte patungong Camp Crame noong Hulyo 30 si Echanis, deputy secretary general for external affairs ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Buwis at ang pulitika ng pangingikil
Danilo Araña Arao
HINDI nabigyan ng kaukulang atensiyon ng midya ang HB (House Bill) No. 4268 na inihain ni Rep. Exequiel Javier (Antique) noon pang Hunyo 4.
Sa unang tingin, may magandang balita ang panukalang batas na ito: Layunin kasi ng HB 4268 na tanggalin ang VAT (value-added tax) sa mga produktong petrolyo. Ang kapalit nga lang nito ay ang pagpapataw ng specific tax.
Pangakong napako
Atty. Remigio Saladero Jr.
SA KASALUKUYANG batas, ang isang manggagawa ay may tatlong (3) taon para isampa ang anumang money claims niya laban sa kompanya. Ibig sabihin, bago lumipas ang tatlong taon, dapat naisampa na niya ang kanyang kaso sa tanggapan ng Labor Arbiter. Kapag hindi niya nagawa ito, ituturing nang paso ang kanyang kaso. Ang tawag dito ay prescription.
Rolbak sa presyo ng langis ‘hindi sapat’
Rodalyn SM Capilo
BAGAMAN tinuturing na “tagumpay ng protesta ng mga mamamayan,” hindi pa rin sapat ang P1.50 kada litrong rolbak sa presyo ng langis noong Hulyo 30, ayon sa isang progresibong grupong pangkabataan.
Pagbabawal ng endosulfan ipinanawagan ng mga doktor
Darius Galang
IPINANAWAGAN ng isang grupo ng mga doktor ang pagbabawal ng Endosulfan at iba pang nakakasong pestisidyo sa bansa.
Tigil-pasada sa Bikol: 98% ng transportasyon paralisado
MATAGUMPAY ang dalawang araw na welgang pangtransportasyon sa rehiyon ng Bikol noong Hulyo 28 at 29 sa kabila ng umano’y pananabotahe ng gobyerno at ilang grupo. ]
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan at Condor (Concerned Drivers and Operators for Reform), paralisado ng 98% ang transportasyon sa Bikol.
Kapanahunan ng Durian
Mabentang mabenta ang durian sa Davao City ngayong kapanahunan nito. Bumagsak mula P70 kada kilo tungong P30-40 ang presyo nito kamakailan. Maaari pang bumagsak hanggang P25 kada kilo sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival ngayong buwan. (Keith Bacongco/AKP Images)

RSS