News Update
Archive - Aug 2008
Paghahanap sa karimlan
Kumulimlim ang kalangitan habang nagmamartsa ang mga miyembro ng Desaparecidos sa Quiapo noong Agosto 30, Pandaigidigang Araw ng mga Nawawala. Ngunit bitbit nila ang tanglaw bilang gabay sa paghahanap sa mga minamahal na nawawalang kaanak. (KR Guda)
Pangungulila sa ama
Nawawala ang kanyang ama (si Leo Velasco) habang nakapiit naman ang ina (Elizabeth Principe), pero buo ang loob ni Aya Santos na ipagpatuloy ang ipinaglalaban ng kanyang mga magulang. (KR Guda)
Karapatan, igalang
Nakiisa ang mga grupong pangkarapatang pantao sa paggunita ng Desaparecidos sa araw ng mga sapilitang nawala. Kabilang sa nagmartsa sina (kanan) Girlie Padilla, pangkalahatang kalihim ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP), at Marie Hilao-Enriquez, pangkalahatang kalihim ng Karapatan. (KR Guda)
Martsa ng mga naghahanap
Isang beses sa isang taon, sama-sama silang nagmamartsa, bitbit ang mga larawan ng kanilang minamahal na mga kaanak, isinisigaw ang hiling na makitang muli ang mga nawawala. (KR Guda)
Mag-amang hinahanap
Galit na nagtalumpati si Elizabeth Calubad hinggil sa pagdukot diumano ng militar sa asawa niyang si Rogelio, isang konsulant ng NDF, at sa anak niyang si Gabriel. (KR Guda)
'Baka itinatago ninyo siya?'
Tila walang pakialam ang mga pulis sa Recto Avenue, Maynila habang ipinapakita ni Edita Burgos ang larawan ng nawawalang anak niyang si Jonas. (KR Guda)
Ninakaw na kaligayahan
Di nawawalan ng pag-asa ang batang ito sa paghahanap ng kanyang kamag-anak na taon na ang bilang na nawawala. (KR Guda)
Naghihintay pang laban ng Tagaytay 5
Soliman A. Santos
ISANG tula ang naging tugon ni Axel Pinpin, isa sa mga tinaguriang Tagaytay 5, para ipahayag ang kanyang pananaw hinggil sa kanilang paglaya mula sa piitan noong Agosto 28.
Panibagong paninikil sa kampus
Soliman A. Santos
NAGPROTESTA sa harap ng tanggapan ng Ched (Commission on Higher Education) sa Lungsod Quezon noong Agosto 27 ang suspendidong mga estudyante ng JRU (Jose Rizal University), kasama ng iba pang tagasuporta mula sa iba’t ibang eskuwelahan, para hilingin ang aksiyon ng komisyon sa anila’y hindi makatarungang
Pagtalaga kay Pichay sa LWUA binatikos
Noel Sales Barcelona
NAGPAHAYAG ng pangamba ng mga miyembro ng Water (Water Employees Response), alyansa ng mga empleyado ng water districts sa bansa, dahil sa pagtalaga kay dating Surigao del Norte Rep. Prospero Pichay Jr., bilang hepe ng LWUA o Local Water Utilities Administration.







RSS