News Update

Pinas nangangapa sa 2008 World Cup ng Bowling

in

Darius Galang

 

NANGANGAPA pa rin ang mga Pilipino sa kasalukuyang World Cup ng bowling na ginaganap sa Hermosillo City sa Mehiko.

Nasa ika-39 na posisyon ang pambato ng Pilipinas na si Jeffery Carabeo habang nasa ika-39 na puwesto si Kimberly Lao. Si Carabeo ay dating nasa ika-63, habang dumulas mula sa 32 si Lao.

May nalalabi pang dalawang blocks ang torneo, kung saan ang Top 24 ay abante sa susunod na yugto.

Kasalukuyang hawak ni Derek Eoff ng US ang pangunguna sa men's dvision, habang abante si Jasmine Yeong Nathan ng Singapore para sa kababaihan. Kapwa nagtala ng ikatlong sunod na perfect game ang dalawa sa torneo.

Sa kasaysayan, si CJ Suarez ang huling nagwagi para sa kalalakihan noong 2003, habang si Bong Coo naman ang para sa kababaihan noon pang 1979. Si Paeng Nepomuceno naman ang pinakamaraming naiuwing kampeonato sa World Cup na nagbilang ng apat.