News Update
Oscar naghahanda na laban kay Pacquiao, gumawa ng mala-"Dream Team" sa kanyang kwadra
posted 02-Nov-2008
in
Darius Galang
TILA naghahanda ng mahusay si Oscar dela Hoya laban kay Manny Pacquiao.
Kasalukuyan na nasa ilalim ng pagsasanay ang tinaguriang Golden Boy ng boksing kay Nacho Beristain, isang Hall of Famer sa boksing. At idadagdag ni Dela Hoya ang serbisyo ni Angelo Dundee bilang konsultant sa darating na laban na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas sa darating na Disyembre 6.
Isang Hall of Famer ang 87-taong gulang na si Dundee, na lumahok sa 15 kampeon, kasama si Muhammad Ali, Sugar Ray Leonard at George Foreman.
“After working with Ali and Leonard, I think it’s only fitting that I now get the chance to work with the most important fighter of this era,” ani Dundee ayon sa pagtala ng ESPN. “This fight against Pacquiao is the biggest fight boxing has seen in years and I’m excited to be a part of it and to help lead Oscar to victory.”
Ang pagtutulungan ay inihyag sa isang press conference na pinaunlakan ng Golden Boy Promotions para sa tinatayang biggest ring showdown ng taon.
Maaaring makitang sobra ang pagtatalaga ng dalawang trainer para kay Dela Hoya, ngunit nagpahayag naman si Dundee na magbibigay ng puwang sa mga desisyon ni Beristain sa nakatakdang laban. “They’ll dictate the role, but whatever is necessary I will do,” ani Dundee “I will speak with De La Hoya and Nacho, but I am not a guy who pushes. I’m there to help. I’m not there to mix anybody up.”
Samantala, tila may umihip na hangin kay Erik Morales at nag-iba ang pananaw niya ukol kay Manny. Hindi na siya sumasang-ayon na ang tumalo sa kanya ng dalawang ulit ay ang no.1 pound-for-pound sa kasalukuyan. Ito ang nakuhang pahayag ng isang manunulat kay "El Terrible," na nagsabing "Pacquiao claims to be the best in the world, but I don’t agree.”
Ito ay sa likod ng paniwala ng Mehikano na Morales na kahit dalawang beses siyang tinalo ni Pacquiao matapos mapanalunan ang una nilang paghaharap, hindi siya binigyan ng pagkakaon na lumaban sa lightweight laban sa Pinoy. ni ni Morales, "he never wanted to give me an opportunity to fight him at lightweight - he wanted nothing to do with me there. Making super featherweight killed me.”
Nabanggit niya ang mga pahayag sa kanyang pagnanais na bumalik sa boksing at labanan aang kasalukuyang WBO lightweight champion at kapwa Mehikanong si Juan Manuel Marquez, na tinalo rin ni Pacquiao ng dalawang ulit. Ngunit para kay Morales, ang magiging laban (kung matuloy man) ay tatagurian niyang "laban ng dalawang tumalo kay Pacquiao."
Problema lamang, hindi na payag si Bob Arum na lumaban si Morales, matapos ang pagkatalo ng Mehikano laban kay David Diaz. Gusto ng tanyag na promoter ng Top Rank na magretiro na si Morales matapos sabihin sa kanya ng boksingero na may naririnig siyang ugong sa kanyang ulo matapos ang naturang laban. Kaya napilitang makipagnegosasyon ang itatanghal na Hall-of-Famer sa Golden Boy Promotions na nangangasiwa kay Marquez.
Sa pagtingin ni Morales, nakita na ng manonood ang mga labang Morales-Marco Antonio Barrera, sa kanya laban kay Pacquiao, Morales-Barrera, Barrera-Pacquiao, Morales-Pacquiao at Barrera-Marquez. "The only thing missing is Morales-Marquez,” ani Morales.

RSS