News Update
Ramdam ang krisis maging sa NBA
Nagpahayag si Commissioner David Stern
na magbabawas sa manggagawa ang liga ng hanggang 9% o aabutin ng 80
trabaho. Nauna na rito ang Charlotte Bobcats na naiulat na magtatanggal
ng 35 ng kanilang 35 non-basketball operations staff.
"We made a decision some months ago that the economy was going to be a bit wobbly, so we began a belt-tightening that will result in job cutbacks among league staff," ang pahayag ni Stern bago ang isang pre-season na laro sa London.
Hindi siya nagpahayag ng ilan pang espisipiko, ngunit aniya'y magpapatuloy pa rin ang liga sa pagpapalago sa Europa, Middle East, sa Asya at Timog Amerika dahil aniya, may "malaking oportunidad" pa rin upang palaguin ang negosyo.
Ngunit hindi makakalusot ang katotohanan ukol sa pagbebenta ng tiket para sa mga laro. Nakikita na nila ang senaryo sa pagbaba rin ng pagre-renew ng mga season-ticket. "New sales are also being hit," ang dagdag ni Stern.
"We don't know the final tally yet
because … our teams are up in game sales, individual tickets, and
then we have to see what we do in group sales," ang pahayag ng
komisyoner. "So, we are working harder and expending more energy.
We think we'll be up in revenue. But I just can't say for sure whether
we'll be up or down in attendance because it's just so touch-and-go
because sports tickets are very much disposable income."
Isa pang senaryo na iniisip ng komisyoner ay ang pag-tatasa ng presyo ng mga tiket upang maka-enganyo pa rin ng manonood kahit nasa gitna ng krisis.
Sa isang news conference, nagpahayag si Stern. "I think many of our teams will be trying to price tickets even more affordably with respect to group sales and the like, so we can make some effort in that regard."
"Our teams are trying to be creative
with their fans," ang pahayag ni Deputy Commissioner Adam Silver
said. "We want to lighten the load a little bit for this season."
Ito, sa likod ng ideya ng koponang New Jersey Nets na magbigay ng buy-now-pay-later
plan bilang pang-engganyo sa maaaring bumili ng season-tickets.
Ilang koponan, tulad ng Atlanta Hawks,
ay hindi makuhanan ng publikong pahayag ukol sa benta ng kanilang season-tickets
sa nalalapit na season, na magbubukas na sa Oktubre 28. Ngunit maayos
naman ang ilang koponan. Para sa Portland Trail Blazers, malaki ang
"kumpiyansa" nilang makakakuha sila ng sell-out na mga home
game bilang suporta sa koponan. "People here are hungry to support
this team," ang sabi ni Larry Miller, presidente ng Portland Trail
Blazers. "A few years before we were really struggling here. …
Starting last year that started to turn around, and this year is just
a continuation of that. Even when economic times are hard, people are
still looking for a distraction."
Ilang koponan rin ang magandang tutukan. Nalagpasan ng New Orleans Hornets ang benta nilan 10,000 season-tickets, habang nalalapit na ring maabot ng Orlando Magic ang naturang pigura, na maglalaro sa bagong arena.
Anu't anu pa man, interesanteng makita sa kalaunan ang kalalabasan ng bawat laro sa nangungunang komersiyal na liga ng basketbol sa gitna ng patinding krisis-pangiekonomiya.
Darius Galang
RSS