News Update

Pinoy Recipe: Embutido

1/2 kilong laman ng baboy, giniling
4 na vienna sausage, biniyak
4 na vienna sausage, tinadtad
1 pirasong sinsal
1 itlog, nilaga
1/4 puswelong atsarang matamis, tinadtad
1 kutsaritang asin
1/8 kutsaritang paminta
1/2 puswelong arina
1 itlog, hilaw
1/4 puswelong pasas

 

Pagsama-samahin ang giniling na baboy, vienna sausage, asin, paminta, atsara, arina at itlog na hilaw. Haluing mabuti.

Sa sinsal ay iayos ang mga sangkap na ito. Ilatag hanggang sa maging 1/4 na pulgada ang kapal. Sa ibabaw nito ay iayos naman ang mga hiwa ng itlog na nilaga, hiniwang vienna sausage, atsara at pasas. Ilulon. Balutin sa katsa at pakuluan sa sabaw ng buto. Pagkaluto ay hanguin at palamigin sa refrigerator. Hiwaing pabilog na manipis bago ihain.