News Update

Pinoy Recipe: Bola-bolang baboy

2 puswelong giniling na baboy
2 kutsarang toyo
1 kutsaritang asukal
1/2 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang paminta
1 kutsaritang gawgaw
2 sibuyas na mura, tinadtad
2 kutsaritang dinikdik na luya
langis o mantikang pamprito


Initin muna ang paminta sa kawali bago dikdikin at salain. Isama sa iba pang sangkap, pati ang gawgaw, at haluing mabuti. Ilagay sa kawali ang mantika o langis at bayaang kumulo. Saka lamang simulang ihulog ang bola-bolang baboy. Bayaan sa mahinang apoy hanggang sa maluto.