News Update

P3,000 umento sa sahod idudulog sa Kongreso

in

Noel Sales Barcelona

NAKATAKDANG “lusubin” bukas ng mga kawani ng pamahalaan ang Kamara de Representante para igiit ang P3,000 dagdag sa minimum na suweldo ng mga manggagawa ng gobyerno.

Sa pahayag ng Courage (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees), sinabi nitong higit na makikinabang ang maraming kawani ng gobyerno na nasa Salary Grade 1 sa P3,000 umento kaysa sa Salary Standaridation Law 3 na magbibigay ng higit 100% umento sa matataas na opisyal ng pamahalaan at napakaliit na halaga naman para sa mga nasa mabababang posisyon.

Ani Ferdinand R. Gaite, pangulo ng Courage, ipapako ng halos apat na taon ang sweldo ng maliliit na kawani kung ipatutupad ang SSL 3.

“Hindi dapat na ipagkait ang munting kaginhawahan sa mga kawani na nagkakandakuba sa paggampan ng kanilang tungkulin, araw-araw, sa mga opisina ng gobyerno, mula alas-otso ng umaga hanggang sa takipsilim,” aniya pa.