News Update

Melamine: Kasaysayan, iba pang panganib, at kabiguan sa regulasyon

Sa sanaysay ni Dr. Romeo Quijano, toxicologist sa University of the Philippines Manila at presidente ng Pesticide Action Network-Philippines, binaybay ang kasaysayan ng paggamit at insidente ng pagkalason sa melamine, isang nakakalasong kemikal na natagpuan kamakailan sa milk products mula sa Tsina.

Umano'y matatagpuan din ang melamine sa iba't ibang mga produktong ginagamit sa pang-araw-araw, at maaari itong magdulot ng iba't ibang klase ng sakit.

Tinuligsa rin ni Quijano ang maluwag na regulasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa mga pagkaing inaangkat, at ang neo-liberal na mga polisiyang hinahayaang mauna ang tulak ng mga korporasyon para kumita kaysa kaligtasan ng mga konsiyumer.

AttachmentSize
Melamine_FoodSafety_Romeo_Quijano.doc76 KB