News Update
Junket (tula)
posted 27-Oct-2008
in
Rustum Casia
bigla silang darating at sasabihing walang masama
kung nagdala sila ng higit anim na milyong
piso sa Moscow.
At tayo.
Tayong hindi man lang makarating ng Bora, Tagaytay at Baguio.
Tayong palagi na lang ay namamaluktot- maikli ang katsang kumot.
Tayong patas at parehas lumaban.
Tayong Nagtuturing ng malisya sa kanilang kabutihang para sa bayan.
Tayo lang ang nagbibigay ng malisya.
Mahiya naman tayo
at humingi ng tawad sa kanila.
Si Rustum Casia ay makatang miyembro ng Kilometer64.
RSS