News Update
John Wayne Sace, nagtatago sa Palawan kasama ang buntis na batang babae
Boy Villasanta
PUERTO PRINCESA City, Palawan – John Wayne Sace, ang child star noon na anak nina VilmaSantos at Christopher de Leon sa klasiko nang pelikulang Dekada ‘70 ng Star Cinema na idinirehe ni Chito Roño at katambal niMaja Salvador sa mga TV drama saABS-CBN ay nakikita pa rin sa kapaligiran ng siyudad na ito.
At kami man kahit hindi namin siya nakita dahil sa mabilis na takbo ng aminggawain sa lugar na ito kaugnay sa kampanya ng nutrisyon ay napatunayan namingnandoroon nga siya.
Pero ang higit na nakakaintriga ay ang natuklasan ng lady broadcaster ng DYPR Radyo Palawanna si Ruth Rodriguez na may kasama lagi na buntis na babae si John Wayne.
Sino kaya ang babaing ito?
Ano ang relasyon nito kay Sace?
Bakit sa Palawan silanaglalagi?
***
Ang maagang pagbubuntis ng kabataan ay hindi lang isyungpanlipunan at moralidad, ito rin ay usapin ng seksuwal, romansa, pampamilya,domestiko at emosyunal na pakikipagtalamitam sa kapwa na katotohanan salipunang ito bagamat ang kuwestiyon ay kaya na ba ng mga batang ito ang mgaresponsabilidad ng maagang pag-aasawa?
O kaya ba ng pang-ekonomiyang kalagayan ng bawat kasangkotang mga karapatan at katungkulan sa bawat isa?
Kaya na rin ba ng maturityo pagkahinog ng isip ng mga taong kasali sa drama ng buhay na ito ang mgapagsubok ng buhay para landasin at tugpahin ang mas malawak at komplikadongbuhay?
Mapapanatili pa ang kumpletong kaayusan ng pamilya sapagdating ng mga pagsubok halimbawa’y pag-iwas sa paghihiwalay sakali at kahitmunting di-pagkakaunawaan ay sumulpot?
Ito ang mga dapat ipamukha sa mga kabataang mapupusok o kungito man ang nasasadlakan ni John Wayne at ng kanyang girlfriend.
***
Ayon kay Ruth, laging bumibili ng lutong ulam si Sace at angbabaing buntis. Mga limang gabi pa lang ang nakakaraan ay nakasalubong na namanng radio announcer ang dalawa nabumibili ng lutong ulam sa kapitbahay.
“Ano naman ako? Nag-iimbento? Kitang-kita ng dalawang matako na magka-holding hands pa sila.Magkaakbay pa sila, ‘no!” kuwento ng showbizreporter ng DYPR.
Sinabi ni Rodriguez na sinubaybayan niya ang mga pangyayarimula nang sabihin sa kanya ng isang kaibigan na dumating sa Puerto Princesa siJohn Wayne sakay ng isang eroplano.
“Heto ’yon. Sabi ng friendko na ayaw ko nang sabihin ang identity,nang bumaba sa eroplano dito sa Puerto Princesa si John Wayne, nakita niya. Angpagkakasabi pa nga niya ng pangalan no’ng bagets, e, John Lloyd. Hindi naman ’yonang description kung si John Lloydang gusto niyang sabihin. Tapos, sabi niya, bagets actor daw.
“A, sabi ko, si John Wayne Sace ’yon. Maputi raw, e. Atmatangkad at hindi naman bilugan ang mukha tulad ni John Lloyd. May kasama rawbabae – bata at buntis.
“Magkaakbay pa raw sina John Wayne at ’yong girl. Tapos, magho-holding hands din pagkatapos. Tapos, akbay na naman. So, naintrigaako. Kaya sinundan ko ang istorya,” pagtatapat ni Rodriguez.
Sinabi ni Ruth na Che Che ang pangalan ng babae.
“Maputi rin. Slimat shoulder length ang buhok.Talagang sasabihin mong si John Wayne ang tatay ng ipinagbubuntis no’ng girl naobvious na ang tiyan,” sabi niRodriguez.
Natuklasan din ni Rodriguez kung saan ang bahay natinutuluyan ni John Wayne.
May mga kaanak umano ang babae dito sa Palawan.
Kaya lang nang ipamalita ito ni Rodriguez at mkarating saperyodistang pampelikula na si Ed Cruz ay itinanggi ng handler ni Sace saABS-CBN na nagdadalantao ang kanyang alaga.
“Hindi magkakamali ang mga mata ko. Hindi naman silatagarito pero bakit nandito sila? At bakit sila magtatago rito?” tanong ng ladybroadcaster.
***
Nakasalubong na naman ni Ruth isang gabi si John Wayne nabumibili ng lutong ulam kaya inimbitahan niya ang batang aktor na mag-guest sa kanyang show.
Sabay sana kami ni John Wayne na magiging panauhin sapalatuntunan ni Rodriguez sa DTPR pero mga dalawang oras bago magsimula angprograma ay nagpasasabi si Sace na hindi siya makakarating sa estasyon ngradyo.
Siyempre’y nagtaray si Ate Ruth. “Di ba, wala nang career ’to? Sabi raw ng manager ay huwag nang magsalita tungkoldoon. Ngayon, hindi ko talaga siya pagsasalitain. At di ba, pag inililihim moang totoo, ganyan ang reaksiyon?”
***
Nang ituro sa amin ni Ruth ang bahay ni John Wayne, gumawarin kami ng aming sariling imbestigasyon.
Malapit lang sa radiostation ng DYPR ang itinurong bahay ng batang bituin kaya dumaan ako roon.
Sa labas, sa gilid ng kalye, may malaking karatula. Lapidaang nakasulat.
Ayon kay Ruth, papasok kami sa iskinita na itinutumbok ngkaratula at sa ikalawang bahay ang kinaroroonan ni Sace.
Natumbok namin ang ikalawang bahay na tindahan angdelantera. Nagtanong kami. Isang matandang babae, ubanin, mapula ang kanangmata, kayumanggi, nakasalamin ang bumungad sa amin.
“Manang, magandang umaga po. Dito po ba nakatira si JohnWayne Sace? ’Yon pong artista?”
Hindi agad nakapagsalita ang ale.
“’Yon pong anak ni Vilma Santos sa Dekada ‘70,” pagdidiin namin.
Nakatingin pa rin lang sa amin ang matandang babae.
“Si John Wayne Sace po,” pag-uulit namin.
***
Pagkatapos ay bumaling ang matandang babae at lumabas ngkanyang tindahan at tumungo sa isang bahay sa likod ng tindahan na nasasakupanng kanyang bakuran.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik ang ale sa amin.
“Wala raw. Umalis daw,” pahayag ng ale.
“May kasama nga po bang buntis na babae si John Wayne?”
“Ay, hindi ko alam. Hindi ako tsismosa. Masama angnakikialam sa buhay ng may buhay,” sabi ng matandang babae.
“Pero nakikita po ninyo na may kasamang babae si JohnWayne?”
“Masama nga ’yon,” pagdidiin niya.
***
Ano po ang pangalan nila?
“Juanita Calzado,” tugon niya.
Ilang taon na po kayo?
“Sitenta y tres,” sagot niya.
Pinsan po ninyo si Lito Cazado, ’yong tatay ni Iza Calzado?
“Pinsan siya ng mister ko,” sabi ni Aling Juanita.
“Kailan pa po si John Wayne dito?”
“Noon lang September,” wika niya.
“Sino pong kasama niya sa bahay?”
“’Yong nanay at tatay niya,” pahayag nito.
“Wala pong buntis na kasama?”
“Wala,” ulit uli.
“Magkano po ang bayad nila?”
“Tres,” na ang ibig sabihin ay tatlong libong piso kasabuwan.
Kaya totoong nasa Palawansi John Wayne Sace.
Related Articles
- Masaya’t malungkot na Pasko ng mga artista
- Misteryoso nga ba ang pagkamatay ni Didith Reyes?
- Noche Buena ni Lorna sa puntod ni Rudy
- John Lloyd Cruz, nakipagbati sa kanyang discoverer at ang mahuhusay sa showbiz ayon sa Cinema One, Famas at Star Awards
- Ang kabuluhan ng 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival
RSS