News Update
Handog ng UP Films kay direktor Jowee Morel
Boy Villasanta
ANG napakaganda sa pananaw ng programmer ng UP Film Institute at isa sa mga pinagkakatiwalaang miyembro ng Young Critics Circle na si Nonoy Lauzon ay ang kanyang matigib na pagsuporta sa mga alagad ng sining na nagpupunyagi sa pag-unlad ng pelikulang Pilipino.
Kaya nang malaman niyang maraming nakaimbak na pelikula ang kontrobersiyal at mahusay na filmmaker na si Jowee Morel ay siya na mismo ang nagprisinta na hanapin ang direktor ng Latak ng Outline Films at igawa ito ng programa para sa UP Films, sa UPFI at UP Diliman Videotheque.
Ang resulta ay ang paghahandog niya ng isang retro para kay Morel sa ika-22 ng Oktubre, 2008.
***
“Kasi, sa Pilipinas, nakakatawa na. Ang mga nabibigyan lang ng retroartists. Hindi tama ito. Dapat ay palitan na itong paniniwalang ito. Hindi na uso na ang mga beterano lang ang nabibigyan ng retro,” pahayag ni Nonoy. ay 'yong mga patay nang direktor o artista o 'yong matatagal nang !-- @page { size: 8.5in 11in; margin: 0.79in } P { margin-bottom: 0.08in } -->artists. Hindi tama ito. Dapat ay palitan na itong paniniwalang ito. Hindi na uso na ang mga beterano lang ang nabibigyan ng retro,” pahayag ni Nonoy.
Kahit ngayon sa mga international film festival ay mga batambatang filmmaker ang inaalayan ng mga retro.
Sa France na lang ay nabigyan ng paghanga at pagkilala si Brillante Mendoza nang siya ay handugan ng pamahalaan ng Pransiya ng isang retro ng kanyang mga obra.
Sa iba’t ibang bahagi pa ng mundo ay hinahandugan si Mendoza ng mga paghanga at espesyal na seksiyon sa mga pista.
***
Kaya rito sa Pilipinas ay gayundin ang kalakaran.
Hindi nga ba’t nagpasalamat si Rosa Rosal kamakailan sa Independent Filmmakers Cooperative nina Clodualdo del Mundo, Jr. at Paolo Villalune nang bigyan siya ng “Sine Klasiks” na pagtatanghal sa Robinsons Galleria indieSine sa pagpapalabas ng mga lumang pelikula ng aktres?
“Mabuti naman ang ganito at nang buhay pa ako. Nakikita ko pa ang mga ganito kaysa naman 'yong patay na ang isang tao at saka lang siya bibigyan ng tribute. Hindi na niya makikita ang lahat,” pahayag ni Rosa.
***
Ganito rin ang konsepto para kay Jowee.
Kaya simula ngayong linggong ito hanggang sa ika-31 ng Oktubre ay puputok ang UP Diliman Videotheque sa pagtatanghal ng kanyang mga obra.
Huwag isnabin dahil ang klasiko at maalingasngas na Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies) ni Morel ay ipapalabas. “I edited again my version. Marami po akong isinama na hindi pa nakikita ng mga tao sa video version nito. Kaya nga sana ay panoorin nila to see for themselves,” pahayag ni Jowee.
Na-X ng Movie and Television Review and Classification Board ang Mga Paru-Parong Rosas noong 2006 kaya hindi ito naipalabas sa mga sinehan pero walang pakialam si Morel. “I don’t care about censorship. Hindi ako gumagawa ng pelikula para sa kanila,” matapang na pahayag ng filmmaker na noon pa ay isa nang malayang nilalang sa kanyang pananaw sa buhay.
***
“Ginawan ko rin po ng bagong presentation ang When A Gay Man Loves. Kasi, I think, dapat na may ibang dimension na 'yon kaya marami ring akong idinagdag pero integral pa rin ang lahat. Nasa video na ito pero may bagong insight na hindi naman nakalito sa mga viewer,” pahayag ni Jowee.
Ang talagang inaabangan ng mga tao kabilang na si Lauzon ay ang pagpapalabas ng Mona Singapore Escort ni Morel na pinangunahan ni Iza Calzado.
Kaya lang ay may komplikasyon ang pagpapalabas nito dahil iba ang prodyuser nito, si Pete Daza.
May ibang bersiyon ni Pete bilang prodyuser at may iba ring kopya si Morel mula sa kanyang sariling pananaw bilang alagad ng sining.
“Nakakalungkot nga at hindi pa nagagawan ng paraan pero kasi, na-blow up sa 35mm ang Mona, Singapore Escort. May nakapansin nga sa amin sa YCC sa pelikulang ito kaya nais kong makasama kaya lang, kung magkakaproblema, bakit naman tatagal pa ang isyu at ang project kung dahil lang do’n,” katwiran ni Lauzon.
***
Babawi si Morel sa kanyang bagong obra, isang natatanging presentasyon ng kanyang buhay at kasaysayan bilang filmmaker.
May ginawa siyang isang dokyu na pinamagatan niyang Moving Dreams na nagsimula noong bago pa lang siyang filmmaker hanggang siya ay maging full-fledged na direktor.
“Ito po 'yong mga interview sa akin on the set. Mabuti na lang at naitabi ko pa ang mga footage. Nasa cabinet ko pa po kaya nang mag-ransack ako, ang dami kong natuklasan na makapagpapaliwanag pa ng philosophy ko sa paggawa ng pelikula.
“Ito rin po ang mga karanasan ko as a beginner at kahit na ngayon na struggling pa rin ako. Sana ay maraming matutunan ang mga estudyante at mga film buff sa Moving Dreams. Masterpiece ko po ito, I think,” sabi ni Jowee.
Isa itong karanasan na kauna-unahan sa Pilipinas mula sa isang mapangahas na direktor ng makabagong panahon.
London-bred si Jowee kaya marami tayong mapupulot na modernong mga ideya sa kanya.
***
Papunta ring Thailand si Morel para gumawa ng mga documentary film tungkol sa HIV at paalis na rin siya pagkatapos ng paghahandog sa kanya ng UP Films.
Kaya hindi manghihinayang si Lauzon at ang mga taga-UP na bigyan ng sapat na pagkilala si Morel.
“Kailangang may mga bagong marketing strategy para itinda ang mga cultural product natin. Hindi dapat maging complacent. Ang daming kalaban sa lahat ng dako ng mundo lalo na sa Maynila.
“Kaya ang mga bagong dugo na tulad ni Jowee Morel ay dapat bigyan ng suporta,” pangungumbinsi ni Lauzon.
***
Nagpapasalamat nga pala ang mang-aawit na si Buddy Castillo sa lahat ng mga bituin na naging bahagi ng pagdiriwang ng pista ng Barangay Dulong Bayan sa Bacoor, Cavite kamakailan.
“Ito na lang ang uri ang pulitika na sasalihan ko. Mas nagpapaligaya pa ako ng mga tao sa may amin,” pahayag ni Buddy na ngayon ay TV host ng Health & Lifestyle on TV sa Destiny Cable tuwing alas singko ng hapon ng Martes at Huwebes.
Kaya walang panahon si Buddy sa pulitika. Pulitika ng showbiz ang kanyang pinagbubutihan at nang siya ay may mas marating pa.
“Unfinished business ang pagkamatay ni Manong Johnny de Leon noon ng DZXL. Sana ay maipagpatuloy ko ang lahat para naman matuwa siya,” pahayag ni Castillo.
Dumalo sa pista sa Barangay Dulong Bayan sina Jao Mapa, Didith Reyes, Victor Wood, ang Wow Girls, ang Tsik Boyz, Queen Agoncillo, Angelica Jones, Tia Pusit at iba pa.
***
Napapag-usapan na rin lang si Victor Wood.
Buo pala ang loob ng singer na kumandidato bilang presidente ng Pilipinas sa 2010.
Kahit na mula sa barangay hanggang sa pagkasenador ay hindi pa siya nananalo, sasabak siya sa mas mataas na puwesto.
Hala bira!
***
Gusto ring maglingkod sa bayan ni Didith. “Kahit na tagatulong lang ako sa pulitiko, gagawin ko, makasuporta lang sa mga kababayan natin na naghihirap.
“Sabi nila, pakialamera raw ako. Wala akong pakialam. Bastat makatulong lang sa iba, kahit na sabihing baliw ako. Kasi, ang mga tao, walang pakialamanan. Ito ang nakakalungkot,” pahayag ni Reyes, ang nagpasikat ng mga awiting “Nananabik,” “Bakit Ako Mahihiya?” “Araw-Araw, Gabi-Gabi,” “Aliw” at napakarami pang iba pang musika.
Related Articles
- Masaya’t malungkot na Pasko ng mga artista
- Misteryoso nga ba ang pagkamatay ni Didith Reyes?
- Noche Buena ni Lorna sa puntod ni Rudy
- John Lloyd Cruz, nakipagbati sa kanyang discoverer at ang mahuhusay sa showbiz ayon sa Cinema One, Famas at Star Awards
- Ang kabuluhan ng 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival
RSS