News Update

Tigil-pasada sa Bikol: 98% ng transportasyon paralisado

in

MATAGUMPAY ang dalawang araw na welgang pangtransportasyon sa rehiyon ng Bikol noong Hulyo 28 at 29 sa kabila ng umano’y pananabotahe ng gobyerno at ilang grupo. ]

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan at Condor (Concerned Drivers and Operators for Reform), paralisado ng 98% ang transportasyon sa Bikol.  

Ang welgang pangtransportasyon ay protesta ng mga taga-Bikol laban sa Value-Added Tax at Oil Deregulation Law.  

“Tagumpay ang welga kahit pa nagsabog ang mga ahente ng gobyerno ng mga pako (spikes) sa kalye para siraan kami,” ayon kay Joel Ascutia, tagapangulo ng Condor-Piston (Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide)-Bikol. 

Nagpahayag ng kasiyahan ang Condor dahil nakiisa umano ang mamamayang Bikolano at hindi naniwala sa “paninira” ng gobyerno.  

Sinabi pa ng grupo na lalahok sila sa pambansang welgang pangtransportasyon na inihahanda ng Piston sa darating na Setyembre at Oktubre.