News Update

Pondo ng SSS, nanganganib?

IPINROTESTA ng Anakpawis Party-list, Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), at Courage (Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees) ang unang araw ni Romulo Neri bilang administrador ng SSS (Social Security System) at hepe ng National Social Welfare Council. Pangamba ng mga grupo, kukulimbatin ni Pangulong Arroyo, sa pamamagitan ni Neri, ang pondo ng SSS at ng mga programang subsidyo ng gobyerno.