News Update
Pakikialam ng US sa usapang pangkapayapaan sa MILF pinaiimbestigahan
Ilang-Ilang Quijano
PINAIIMBESTIGAHAN ng mga kinatawan ng progresibong party-list ang umano'y pakikialam ng Estados Unidos sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at gobyerno ng Pilipinas.
Inaihain ang House Resolution 754 nina Rep. Liza Maza at Luzviminda Ilagan ng Gabriela, Teddy CasiƱo at Satur Ocampo ng Bayan Muna, at Rafael Mariano ng Anakpawis para hikayatin ang Kongreso na tingnan ang pang-ekonomiyang at pang-militar interes ng US sa usapang pangkapayapaan at ang umano'y labag sa Konstitusyong pakikialam nito dito.
Patunay umano ng malalim na pakikialam ng US ang presensiya ni US Ambassador Kristie Kenney sa naudlot na pagpirma ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa Kuala Lumpur, gayundin ang ulat ng US Institute for Peace noong Pebrero 2008.
"Malinaw na sinasamantala ng US ang giyera sa Mindanao para isulong ang kanilang interes geo-pampulitika sa rehiyon," sabi ni Maza.
Pangamba ng mga kongresista, gagamiting dahilan ang papel ng US sa tunggalian at negosasyon sa pagitan ng MILF at gobyerno para makapag-base nang mas permanente ang kanilang mga tropang militar sa Mindanao.
RSS