News Update
Pag-inom habang nasa kolehiyo, masama sa puso?
ISANG pagsasaliksik na isinagawa ng American Heart Association (AHA) ang nagbunyag na ang mga kolehiyong estudyante na malakas uminom ay may pagkakataon na ma-doble ang dami ng tinatawag na C-reactive protein (CRP). Ito ay isang biological marker para sa mga pamamaga, at naiuugnay sa mas mataas na tsansa na magkaroon ng cardiovascular problems.
Sa pananaliksik, inilinaw ang terminong heavy drinking bilang pag-inom ng tatlong alcoholic drink tatlong araw sa isang linggo, o limang alcoholic drink dalawang araw sa isang linggo. Kumpara sa moderate drinkers na umiinom lamang ng dalawa hanggang limang bote, sa isa o dalawang araw kada linggo, doble ang dami ng CRP ng malalakas uminom, at naglalagay sa kanila sa katamatamang antas na magkaroon ng problema sa puso.
Hindi pa naman malinaw ang pananaliksik sa pag-uugnay na ang pag-inom habang nasa edad-kolehiyo pa lamang ay direktang naka-ugnay sa agarang pagkakaroon ng cardiovascular problems. Kinakailangan pa ng mas mahabang pananaliksik na kakailanganing sundan ng mga sumailalim sa pananaliksik hanggang umabot ng middle age.
"If C-reactive-protein levels are predictive of a future risk of heart disease, then students might be beginning a dangerous pattern, [and that's a] reason to be concerned about college-age drinking," ang pagpapaalala ni Elizabeth Donovan, isang undergrad na tumulong sa pagsusulat ng pananaliksik.
Isang doktor naman ang hindi naniwala sa ganitong pananaw ng pananaliksik. Ipinaalala niyang marami pang salik ang nagpaparami ng CRP, tulad ng labis na timbang, paninigarilyo, diabetes, maging ang pagkakaroon ng sipon.
Ang pinakamahalagang abiso niya ay huwag nang isipin nang husto ang pag-inom habang nasa edad-kolehiyo at magtuon sa pag-kontrol sa pag-inom.
RSS