News Update
WBA Superflyweight aabutin ni Banal; Canoy, Bernabe sasabak rin
posted 25-Jul-2008
in
Darius Galang
Lalaban si AJ 'Bazooka' Banal bukas para sa kampeonato ng World Boxing Association interim superfly kontra kay Rafael 'Torito' Concepcion ng Panama. Gaganapin sa Cebu Coliseum ang laban na binansagang “LABAN NA BANAL: Panahon Na.”
Lumagpas sa timbang ang Panamanian sa ginanap na weight-in kanina. Kinailangan ni Concepcion ang dalawa pang oras na workout upang mabawasan ng isang libra para abutin ang 115-lb na limit ng timbang. Naiulat pang may apat hanggang limang libra ang sobra niyang timbang pagdating sa bansa.
Hindi naman nagkaroon ng problema sa pag-aabot ng timbang ang Pinoy na si Banal.
Inaaprubahan nman ni WBA 2008 “Matchmaker of the Year” Sampson Lewkowicz na magiging eksplosibo ang laban. Ayon sa kanya, “this will be a very exciting fight between two young fighters who will not give up in their wish and their will ("ito'y magiigng isang kapana-panabik na laban sa pagitan ng dalawang batang mandirgma na hindi isusuko ang kanilang pangarap at paraan.”
Samantala, dadayo naman si Bernabe “Kamaong Llave” Concepcion sa bansa ni Adam Carrera para sumabak sa undercard ng laban nina Antonio Margarito ng Mehiko at Miguel Cotto ng Puerto Rico.
Isang non-title bout ang nakahapag kay Bernabe, na kasalukuyang kampeon ng North American Boxing Federation super bantamweight laban kay Carrera. Paglalabanan naman ang welterweight title, na binakante ni Floyd Mayweather Jr, nina Cotto at Margarito sa main event.
Gaganapin ang unification bout sa Sabado (Linggo ng umaga sa Pinas) sa Las Vegas, Nevada. Hawak ni Cotto ang titulo ng timbang sa WBA habang naghahari si Margarito sa International Boxing Federation.
Mauuna rito ang depensa ni Eric Canoy saa kanyang WBO Oriental featherweight title laban kay Thai challenger Terdsak Jandaengat sa Zamboanga City stadium. Gaganapin ng 9:00 a.m sa Linggo ang laban.
RSS