News Update

Dalawang tula

in
Paul Joseph Fonte

Kendi

 

Balatan ang kendi sa kinalalagyan

at isubo sa bibig.

Laruin nang paikot-ikot gamit ang dila

pero mag-ingat at baka ikaw ay mahiwa.

Dahan-dahan itong matutunaw,

hayaang humalo ang lasa sa laway

at lasapin ang tamis na taglay nito.

Sipsipin ito hanggang

sa magsawa ka sa sarap.

Kapag ayaw mo na

durugin ito gamit ang mga ngipin,

lunukin ito at idura ang kaunting natira

upang hindi maging tinga.

 

Ulitin ang proseso sa sunod na kendi.

 

***

 

Skyway

 

Magbayad ka lang

at makakapasok ka

sa langit.

 

Mag-aaral ng Communication Arts sa Unibersidad ng Pilipinas-Los BaƱos si Paul Joseph Fonte. Kasapi siya ng Samahang Layb, isang grupong nagsasagawa ng palihan sa tula sa UPLB.